top of page
Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang
dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya
matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman
kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng
loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis. Naging party girl siya
dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang
inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam ay iyon na pala
ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na �yon. Nahuli
siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi. Napatawan siya ng
community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing
nakikita niya si PCol. Carlos Joseph Guevarra na siyang chief.
Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang
bumali sa mga salita nito. Isang matino at disiplinadong pulis na
magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip.
Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya
ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala
kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung
makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki
kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay
niya?

Loved and Chained

₱1,071.00Price
  • Tabitha Jabar
  • All items are non returnable and non refundable
bottom of page