Ang mensahe ng Aklat ni Enok ay maihahalintulad sa mga manuskritong naisulat ng mga propeta ng mga sinaunang Hebreo. Ang maganda sa mensahe ni Enok ay naisulat ito sa panahon na wala pang mga relihiyon sa mundo kundi ang panahon kung saan tinukoy niya ang pagsasaway sa mga kasalanan at ang mensahe ng paghingi ng kapatawaran. Ang mensahe ay mahalaga hanggang ngayon, wala itong limitasyon ng panahon at ang kasaysayan ng libro ay maaring matanda na ngunit ang iilang nakapaloob dito ay direktang matutupad pa sa hinaharap. Sa loob ng maraming siglo, ang Aklat ni Enok ay tila naglaho na parang bula . Ang libro ay muling umusbong sa entablado ng mundo na may isang mahalagang mensahe na hindi natanggal ng panahon. Sa unang kabanata ng Aklat ni Enok, nakasaad na ang libro ni Enok ay hindi isinulat para sa mga taong nabubuhay sa kanyang panahon kahit na ang mga susunod pa sa kanya. Mula sa simula ang Aklat ni Enok ay inilaan upang magkaroon ng mas malaking epekto sa panghinaharap. Ang libro ni Enok ay isinulat para sa kapakanan ng henerasyon na mabubuhay sa katapusan ng mundo. Tulad ng isang time travel machine, ang libro ay nakalaan para sa huling henerasyon. Ang Aklat ni Enok ay muling luminaw sa ating panahon at magagamit para sa sinumang nais matuklasan ang mga kayamanan nito.
Ang Aklat ni Enok
SKU: 9789357874540
₱561.00Price
- Rafael M. Juvida
- All items are non returnable and non refundable